Unang Araw
Setyembre 12 , 2016
Aralin 1 : Kapuwa Ko, Andito Ako!
Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangugnuhulugang wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan, Wala ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan ng tulong ng iba.
Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.
Ang mga munting regalo na kayang, ibigay tulad ng pagtulong sap ag-akyat ng hagdan, ay isang kaginhawaan. Lahat ay magiging masaya at walang iwanan.
Ang mga gawa ni Mother Teresa, isang Santa mula sa Calcuta India, noong siya ay buhay pa ay likas na pagiging bukas-palad. Hanggang sa huling mga sandal ng kaniyang buhay ay tumutulong siya sa mga may sakit at wala siyang hinihinging kapalit. Hindi kayamanan ang ibinahagi niya kundi ang kanyang oras, serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga gawain ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming tao upang maging bukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang kapuwa.
Ibahagi sa iba kung anung mayroon ka ngt maluwag sa kalooban at walang inaasahan na kapalit. Lubos na kasiyahan ang maidudulot nito sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa pagbibigay o pagbabahagi, tiyak na pagpapalain nka ng Maykapal at mapasasaya moa ng iyong kapuwa.
Gawain :
Gumawa ng sulat sa sang ahensiya ng pamahalaan na nais mong hingan ng tulong para sa mga katulad ni Paola. Banggitin mo sa iyong sulat kung bakit nais mo silang tulungan ng pamahalaan?
1.Ang sulat para sa DSWD ay gagawin ng magkapareha. Maari pang pumili ng ibang ahensiya ng pamahalaan na may kaparehong programa. Ipabasa at iproseso ang nakasaad sa kanilang liham.
Itanong: Bakit ang ahensiyang ito ang napili ninyong sulatan?
2. Napakahalaga ng aspetong ito sapagkat ditto mararamdaman ng mag-aaral ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa-tao.
Itanong sa mga mag-aaral.
- Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagbibigay ka ng tulong sa iyong kapuwa?
- Lahat ba ng humihingi ng tulong ay dapat bigyan/
3.Sino ba dapat ang bigyan ng tulong?
- Anu-ano ba ang uri ng tulong ?
- Talakayin ng mas malalim ang kahulugan ng Empathy at Sincerity.
Pagtataya :
Isulat ang T kung tama ang sitwasyon at M kung ito ay mali.
___1. Tulungan ang mga taong nasalanta ng bagyo.
___2. Pera lang ang kailangan nating ibahagi sa ating kapuwa.
___3. Kung wala kang materyal na bagay maari kang magbahagi ng oras at serbisyo sa iyong kapuwa.
___4. Kailangan bukas sa ating palad ang pagtulong sa ating kapuwa.
___5. Sa lahat ng pagkakataon kailangan ba nating tulungan ang ating kapuwa?
Ikalawang Araw
Setyembre 13 , 2016
Aralin 2: Damdamin Mo, Nauunawaan Ko.
Bawat tao ay maaring magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya, ngunit may mga panahon din na siya ay malungkot dahil sa problema. Sa ganitong pagkakataon, kakailangin niya ang taong puwedeng dumamay sa kanya. Dahil bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya ay makipag-ugnayan o makibahagi sa iban tao. Sa kaniyang pakikibahagi, natutuhan niya ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba, hanggang sa maipapamalas niya sa paglalagay ng kaniyang sarili sa kinalalagyan ng ibang tao. Sa paraang ito ay nakakatulong na siya.
Maaring material na bagay ang tulong na maibabahagi naton ngunit hindi lagging ito ang kailangan ng iba. May mga panahon na kailangan ng isang kaibigan na makikinig at magbibigay ng payo. Kung minsan nama’y kasama a pagpapasaya sa isang tagumpay ang kailangan ng tao. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan lang maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan na kapuwa. Ito ang pinakamabuting paraan upang maipadama natin ang pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan ng ating kapuwa na walang anumang hinihintay ng kapalit.
Gawain :
- Suriin ang mga larawan

1.batang nahiwalay sa kaniyang mga kasama

2.batang pinapagalitan ng guro

3.batang pilay na pinagkakatuwaan ng dalawang bata

4.batang marumi at nanghihingi ng limos
Isulat kung ano ang iyong nararamdaman tungkol sa mga larawan A,B,C, at D. at isulat kung paano mo ipapakita ang iyong pagdamay.
Pagtataya :
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?Sagutin at ipaliwanag.
- Hindi nanalo ang iyong kaibigan sa isang timpalak sa pagsasayaw.
- Namatay ang lola ng isa sa mga kaibigan mo.
- Tumatawid ang isang batang maliit sa kalsada.
- Malungkot na malungkot ang is among kaklase
- Walang baon ang kaibigan sapagkat nakalimutan niya ito.
Ikatlong-Araw
Setyembre 14 , 2016
Aralin 3: Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali at pisikal na anyo ng kaiyang kapuwa. May mga pagkakataong hindi natin namamalayan na nakakasakit na tayo ng damdamin ng ating kapuwa dahil sa mga ibinigay nating puna at pintas.
Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa ating kalooban? May mga paraan na makakatulong sa isang batang tulad mo upang higit na mapunlad ang sarili sa kabila ng maraming puna na iyong naanggap.
Ang isang tao ay maaring matuto mula s kaniyang kapuwa. Samakatuwid, maari mong ituring na agong impormasyonang natanggap mong puna at magagamit mo ito upang higit na mapabuti ang iyong mga gawain at kilos.
Ang sumusunod na pamamaraan ay makakatulong sa iyo upang higit na mapamahalaan moa ng iyong sarili at makamit ang layunin sa buhay:
- Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi.
- Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
- Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at ditto ituon ang iyong pansin.
Gawain :
Isasadula ng bawat grupo ang sitwasyon .
Unang Pangkat : Pangarap mong magng modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, Madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
Ikalwang Pangkat : May bago kang kaklase galling sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng iyong mga kaklase mo. Ano ang iyong sasabihin sa kanila?
Ikatlong Pangkat : Napaunlad moang iyong angking kakayahan sa pagguhit. Marami ang humahanga sa iyo sapagkat madalas kang nanalo sa mga paligsahan . Ano ang iyong sinasabi sa mga nagbibigay sa iyo ng papuri?
Ika-apat na Pangkat : Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinisigawan ka ng iyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Mapipikon ka a?
Ikalimang Pangkat : Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
Pagtataya
Isulat sa patlang ang masayang mukha kung sa palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna. At malungkot na mukha
kung hindi.
_____1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.
_____2. Wala kang pakialam.
_____3. Kunwari lng naman yan na tutulong para mapaganda ang proyekto ko, alam ko na naiinggit lang iyan.
_____4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.
_____5. Ayo slang sa akin ang puna mo, mabuti nga at magbabago ko.
Ikaapat na araw
Setyembre 15 , 2016
Aralin 4: Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkatuto.
“ Internet: For Better or For Worst”
( Nakakabuti o Nakakasama)
Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalo na kung ito ay ginagamitan ng pananliksik. Sa tulon ng internet, isang pindot mo lng sa computer ay makikita mon a ang gusto mong malaman. Gayunpaman, dapat tayong maging mapanuri sa ating mga pinapasok na site o blogsite sa internet..
Upang magamit natin ng tama ang internet, kailangan nating malaman ang mga salitang ditto ay umuugnay. Makikita sa ilustrasyon ang mga halo-letra na nakalagay sa loob ng kahon. Ayusinn ang mga letrang ito upang makabuo ng mga salita na may kaugnayan sa internet at teknolohiya. Isulat ang mga sa sagot sa iyong kuwaderno.

- Pahina sa internet na makakatulong sa impormasyon.
- Karaniwang pinnanatili ng bisang indibidwal na may regular na mga entry ng mga komentaryo, ang paglalarawan ng mga pangyayari, o sa iba pang materyales tulad ng mga graphic video.
- Modernong pagpapdala ng liham.
- Isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay-kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets.
- Isang uri ng website na maaring gamitin sa pananliksik.
- ang magkakabit na mga computer network na maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.
- Maaring madagdagan din ang mga kaibigan at magpapadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibgan ang tunkol sa kanilang sarili.
- Isang uri ng website na maaring gamitin upang makapanood ng video o palabras.
Sagutin ang mga tanong;
- tungkol saan ang mga nabuo mong salita.
- Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo nsa paghahanap ng kasagutan sa iyong mga naiisip o opinion? Magbigay ng halimbawa.
- Kung wala ang internet, paano ka kaya makakahanap ng kasagutan sa mga tanong mula sa ibat- ibang asignatura?
- Nakakaapekto baa ng teknolohiya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Pangatwiranan.
Pagtataya:
Lagyan ng salitang Nakakabuti ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa paggamit ng internet. Hindi Nakakabuti naman kung ito ay nakassama. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
_____2.Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
_____3. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin.
_____4. Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Sorsogon at iba pang magagandang lugar sa Pilipinas na napuntahan.
_____5. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa You Tube.
Ikalimang Araw
Setyembre 15 , 2016
Lingguhang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao IV
I.Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito upang maipakita ang pagkamahinahon?
1. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong naririnig na may pumipintas sa iyo.
A. iirapan sila
B. pagsasalitaan na wala silang pakialam
C. tatanggapin ang mga sinasabi at lalo pang pagbubutihin
D. hindi na sasali sa anumang paligsahan
2.Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumanig?
A.Tatakbo palabas ng mall
B. IIyak na malakas
C. Duck Cover and Hold
D. lalapit sa information area
3.Pinakisuyo mo na hawakan ng iyong kaklase ang iyong bag subalit ibinagsak niya ito.
A. magagalit
B. isusumbong sa guro
C. kukunin ang bag at magpapasensya
D. ibabagsak din ang bag ng kaklase.
4. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kaklase ang iyong lapis.
A. sisigawan ang kaklase
B. iiyak ng malakas
C. sasabihin sa kuya
D. ipahihiram na lang ang lapis
5.Pinakiusapan ka ng nanay na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng baon.
A. magtatampo sa nanay
B. uunawain si nanay
C.magagalit sa kapatid
D. magpapakabusog na lang bago pumasok
6. Sa kagustuhan mo na makasama sa palatuntunan ng paaralan kahit luma ang iyong damit ay nakilahok ka pa rin. Pinagtawanan ng iyong kaklase ang iyong suot.
A. pagbubutihan na lang performance sa palatuntunan
B.magdadabog pagdating sa bahay upang malaman ni nanay na ikaw ay napahiya
C.humanap na kakampi
D. gantihan ang kaklase na nagtawa
7. Ang ____________________ ng paaralan ay makatutulong upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag unawa sa damdamin ng kapuwa.
A.Punong-guro
B. Janitor
C. Canteen Teacher
D. Guidance Counselor
8.Paano mo maipapakita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap sa kapuwa?
A.Magsasalita ng malakas
B.Gumamit ng mga salitang nakakasakit ng damdamin
C.Mahinahon ang pagsasalita at gumagamit ng mga salitang hindi nakasasakit ng damdamin
D.Hindi na lang kakausapin
9. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa?
A.Bumababa ang pagpapahalaga st tiwala sa sarili
B.Walang pakialam kung anu ang sabihin
C.Lalong lalakas ang loob
D. Ang panlabas ng kaanyuan ay naapektuhan ng masasakit na salita
10. Kilala bilang Republic Act of 2013.
A.Human Rights
B. Women & Children Act
C.Anti-Bullying Act
D. Wala sa nabanggit
II Sagutan ng Tama o Mali:
______11. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan.
______12. Huwag pansinin ang kaklase na nanunukso.
______13. Ang taong mahinahon ay takot makipag-away.
______14. Suriin at pag-aralan mabuti ang mga pangyayari bago umaksyon.
______15. Ang taong mahinahon ay umiiwas na makagawa ng mali.
______16. Nadadaan ang lahat ng usapan sa malalakas na salita.
______17. Ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbigay ng payo.
______18. Hindi lamang material na bagay ang maaari nating ibigay sa ating kapuwa kundi ang oras.
______19. Ang pagsama sa pagsasaya ay isa ding uri ng pagtulong.
______20. Mahihirap lamang ang nangangailangan ng tulong.
III. Panuto: Iguhit ang araw kung ang nakasulat sa bawat bilang ay mga bagay na nagawa mo na at ginagawa mo hanggang sa kasalukuyan. Iguhit naman ang ulap kung ang nakasulat ay mga bagay na hindi mo pa nagagawa.
________ 21. Nakikinig ako kapag may nagsasalita.
________ 22. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit na aking hiniram lalo na kapagnag-aaral ang may-ari nito.
________ 23. Iniiwasan kong makagawa ng ingay na makagagambala sa taong nagtatalumpati sa harap.
________ 24. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba.
________ 25. Hinihintay ko muna na matapos manood nang telebisyon ang aking kapatid bago ito ilipat sa ibang channel dahil mahalaga ito sa kanyang takdang-aralin.
IV. Isulat ang mga salitang angkop para mabuo ang ideya. (26-30)
Mapapanatili ko ang magandang pakikipagkapwa ko kung:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________
ESP IV